^

Probinsiya

3 nasawi, 7 nawawala sa 2 bangka na lumubog sa Antique

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong pasahero ang nasawi habang pitong iba pa ang nawawala nang lumubog ang dalawang motor bancas, sa karagatang sakop ng Caluya Island sa Antique.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kinilala ang mga nasawing pasahero ay sina Christopher Gajero, Marlon Belleca at Mark Delloro.

Patuloy pa namang pinaghahanap ang mga nawawalang pasahero na sina Christian Aguilar, Vic Florendo, Roel Delloro, Joseph Delloro, Frankie Gajero, Rosauro Delloro at Zaldy Pacis.

Anang PCG, alas-4:00 ng madaling araw ng Agosto 26 nang umalis ang MBCA Ure Mae at isa pang walang pangalang bangka mula sa isla ng Boracay, patungong Caluya, Antique, lulan ang may 20 pasahero.

Gayunman, matapos ang tatlong oras, nakasagupa ng mga bangka ang masamang panahon at malalaking alon na nagresulta sa paglubog ng mga ito.

Kaagad naglunsad ang PCG, Municipal Police Station (MPS) San Jose, at MDRRMO-San Jose ng search and rescue (SAR) mission at nasagip ang 10 pasahero.

vuukle comment

BANGKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with