^

Probinsiya

DOH: Sabayang pagpapasuso, inilunsad sa La Union

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang “sabayang pagpapasuso” ng mga ina sa lalawigan ng La Union sa Ilocos Region, bilang paggunita sa National Breastfeeding Month ngayong buwan ng Agosto.

Ayon sa DOH-Ilocos Region, layunin nitong palakasin at itaguyod ang halaga ng pagpapasuso o breastfeeding, bilang tradisyon at pangangalaga sa sanggol.

Sinabi ni Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV, na ang programa ay nagnanais ding makapagbigay ng wastong kaalaman sa mga ina hinggil sa kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso gamit ang sarili nilang gatas sa unang anim na buwan ng sanggol.

Ayon pa ka Dr. Bobis, hinihikayat nila ang mga lokal na pamahalaan sa mga iba’t ibang probinsya na magdaos ng programa sa sabayang pagpapasuso upang lalong mapag-ibayo at matiyak ang pagiging malusog at maayos na paglaki ng mga sanggol.

Ang unang “sabayang pagpapasuso” ay ginawa sa munisipalidad ng Aringay, La Union at dinaluhan ng 50 ina, gayundin sa bayan ng Naguilian, La Union.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang mga nanay na, hindi kayang pantayan ng powdered milk o anumang infant formula ang gatas ng ina sapagkat puno ito ng sapat na nutrisyon na kailangan ng isang sanggol upang siya ay lumaking ligtas sa sakit.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with