^

Probinsiya

Pangulong Marcos namahagi ng ayuda sa mga Caviteño

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos namahagi ng ayuda sa mga Caviteño
Mismong si Pres. Ferdinand Marcos Jr. kasama ang matataas na opis­yales ng pamahalaan ang namahagi ng tig-P5,000 cash bilang tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng oil spill sa Cavite sa maikling programa sa Gen. Trias City kahapon.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines —Hindi ina­lintana ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lakas ng ulan at nagtungo pa rin sa lalawigang ito upang personal na mamahagi ng tulong-pinansyal sa mga mangingisda, magsasaka at mga naapektuhan ng oil spill.

Sa maikling programa na ginanap sa lungsod ng Gen. Trias, personal na iniabot ng Pangulo ang pera na nagkakahalaga ng P5,000 sa mga pi­ling beneficiaries mula sa Bacoor, Kawit, Nove­leta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate.

Iniaabot din nito kay Cavite Governor Jonvic Remulla ang tseke na nagkakahalaga ng P161.5 million bilang tulong para sa Provincial Government ng Cavite.

Patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng Department of Agriculture (DA)-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa sitwasyon ng mga apektadong lugar ng naganap na malawakang oil spill sanhi ng lumubog na tanker na (MTKR) Terranova sa Lamao Point ng Limay, Bataan nitong nakalipas na Hulyo 25, kung saan nasundan pa ito ng dalawang barko na nabalahura rin sa karagatan ng Bataan na MTKR Jason Bradley at motor vessel (MV) Mirola 1.

Idineklara naman ng pamunuan na ligtas kainin ang mga isda at lamang dagat sa baybaying dagat ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas at Metro Manila.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with