MANILA, Philippines — Anim na katao ang naaresto ng mga otoridad sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Zamboanga City at Zamboanga del Sur,kamakalawa.
Sa Zamboanga City, naaresto ang 4 drug suspek na sina Henry Daniel Alvarez Soriano, 46; Rosebie Salih Hilacio, 29; Alvin Mark Opao Haili, 34; at Totoh Madsid Jama, 40 sa pamamalakad ng isang drug den sa Barangay Talon-Talon sa Zamboanga City nitong gabi ng Sabado.
Nakumpiska mula sa kanila ang nasa P41,300 halaga ng shabu sa kanilang drug den sa Puerto Princesa Drive sa Barangay Talon-Talon.
Samantala,dalawa naman ang naarestong drug suspek na kinilalang sina Marecil Cubio Muloc, 42; at Jason Codion Palanas, 20 na nakumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isang entrapment operation sa Purok Narra sa Barangay Lumbog, Margosatubig, Zamboanga del Sur.