3 mag-aamang nasa laot nasapol ng kidlat, tepok!

Kinilala ang mga biktima na sina Francisco Despi Sr, 62-anyos at mga anak na sina Fran-ed Despi, 30-anyos,  at  Francisco Despi Jr., 28 taong gulang, pawang residente ng Brgy. Muzon 2, Rosario, Cavite.

CAVITE, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapat ng tatlong mag-aama makaraan silang masapol ng kidlat habang nangingisda  sa laot, kamakalawa ng madaling araw sa bayan ng Rosario, lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktima na sina Francisco Despi Sr, 62-anyos at mga anak na sina Fran-ed Despi, 30-anyos,  at  Francisco Despi Jr., 28 taong gulang, pawang residente ng Brgy. Muzon 2, Rosario, Cavite.

Sa ulat ng Municipal Disaster Reduction Risk and Management Office (MDRRMO), alas-4 ng hapon nang pumalaot ang  mag-aama upang mangisda na inabot ng madaling araw.

Sinabayan pa ito ng pagbuhos ng malakas na ulan at isang malakas na kidlat ang tumama sa mag-aama na sakay ng bangka.

Natagpuan ng mga kapwa mangi­ngisda ang mga katawan ng biktima na palutang-lutang sa dagat habang nakataob na ang kanilang bangka.

Show comments