Kawani ng General Santos City LGU, tiklo sa shabu

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 sina Fiel Joseph Otacan at Maria Luz Oraiz, na-entrap sa Barangay Sinawal, General Santos City nitong Miyerkules.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang emple­yado ng General Santos City local government unit at isang kasabwat sa isang entrapment ope­ration ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 nitong Miyerkules.

Sa ulat nitong Huwebes ni Aileen Lovitos, director ng PDEA-12, agad na inaresto ng kanilang mga operatiba ang 30-anyos na si Fiel Joseph Otacan at si Maria Luz Oraiz, 43-anyos, matapos magbenta sa kanila ng P14,000 na halaga ng shabu sa isang lugar sa Barangay Sina­wal, General Santos City.

Si Otacan ay isang market meat inspector ng Office of the City Veterinarian ng General Santos City LGU.

Hindi na nanlaban ang dalawa nang malaman na mga anti-narco­tics agents ang kanilang ka-transaksyon sa isang entrapment operation na magkatuwang na nailatag ng PDEA-12 at ng mga unit ng Police Regional Office-12 na pinamumunuan ni Brig. Gen. James Gulmatico.

Show comments