^

Probinsiya

Delivery ng P300K shabu, nasabat sa checkpoint

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Delivery ng P300K shabu, nasabat sa checkpoint
Stock image of methamphetamine.
Image by JR from Pixabay

COTABATO CITY, Philippines — Nasa P300,000 halaga ng shabu ang nakum­piska sa isang drug dealer na pinaniniwalaang namimigay ng parteng kita sa mga teroristang grupo, makaraang masabat sa isang police checkpoint sa Datu Piang, Maguindanao del Sur nitong Lunes.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Brig, Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regio­nal Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na inaresto ng mga kasapi ng Datu Piang Municipal Police Station na pinamumunuan ni Captain Razul Pandulo, ang suspect na kinilalang si Samsudin Ahman Saban, nang makitaan ng isang baril at shabu sa loob ng kanyang sasakyan nang mapadaan sa kanilang checkpoint sa isang lugar sa naturang bayan.

Aabot sa P300,000 ang halaga ng shabu na natagpuan sa loob ng sasakyan ni Saban, ayon sa ulat ng Datu Piang police kay Tanggawohn, na ihahatid sana ni Saban sa isang contact sa isang liblib na lugar ng naturang bayan.

Ayon kay Tanggawohn, inaalam na ng mga imbestigador ang diumano ay pamamahagi ni Saban, ayon sa tip ng kanyang mga kakilala, ng kita sa pagbebenta nito ng shabu sa ilang mga commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiya terro­rist group upang malayang makapagsagawa ng kanyang illegal na gawain sa mga lugar na may presensya ng dalawang grupo.

MAGUINDANAO DEL SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad