Kaso ng ASF sa La Union, tumataas
SAN FERNANDO CITY, La Union, Philippines — Patuloy umano ang pagtaas ng bilang ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa La Union.
Ito ay batay sa record ng Department of Agriculture (DA) regional office na bagong 48 baboy sa Barangay Namtutan ang apektado.
Sinabi ni Mayor Herminigildo Gualberto na ang naiulat na 48 baboy na tinamaan ng ASF,ang siyam dito ay namatay habang ang 39 ay pinatay matapos magpositibo sa isinagawang laboratory testing ng DA.
Idinagdag pa ni Gualberto na ang insidente ay kauna-unahang ASF positive case sa lungsod na nagsimula sa backyard hog raising.
Kinategorya na ng DA ang San Fernando bilang ‘red zone’ at nagsagawa na rin ng kaukulang pag-iingat tulad ng quarantine,at pagkatay ng mga baboy sa mga barangays ay ipinagbawal maging ang pagbebenta.
Binigyan ng kasiguraduhan ng mayor na ang mga ibinebentang baboy sa palengke ay maiging iniksamin ng veterinary office.
Bukod sa San Fernando, ang mga bayan ng Balaoan at Luna ay naitala rin ang ASF positive cases. Pitong barangay ang apektado sa Balaoan at dalawa sa Luna.
- Latest