2 pa tepok sa bagyo at habagat - NDRRMC
MANILA, Philippines — Dalawa pa katao ang nadagdag sa death toll pananalasa ng mga bagyong Butchoy at Carina, at sa habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha at landslide, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.
Ayon sa NDRRMC ang dalawang karagdagang namatay ay mula sa Metro Manila pero nilinaw na nagsasagawa pa sila ng pag-validate sa kaso ng karagdagang mga biktima.
Sa kasalukuyan, ayon sa NDRRMC ay nasa kabuuan ng 48 nasawi ang napaulat sa kanilang tanggapan kabilang ang 14 kataong na-validate na habang ay iba pa ay patuloy na isinasailalim sa pag-validate o beripikasyon.
Iniulat ng NDRRMC na ang Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamaraming nasawi sa bilang na 22 katao kasunod ang CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.
Apat ang una nang napaulat na namatay sa Zamboanga Peninsula, tig dalawa sa Central Luzon at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao habang sa Ilocos Region, Northern Mindanao, at Davao Region ay tig-isa naman ang mga nasawi.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 14 kataong nasugatan habang lima pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.
- Latest