^

Probinsiya

Bebot, patay sa away pamilya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae nang pagsasaksakin ng isang lalaki na sinasabing matagal na umanong kaalitan ng kanilang pamilya sa Rodriguez, Rizal kama­kalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Ynares Medical Center ang biktimang si Manilyn Bio, ng Brgy. Burgos, Rodriguez ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

Nakatakas at tinutugis na ng mga otoridad ang suspek na kinilala lang na si alyas ‘Ro­berto.’

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station na dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Dela Costa Subdivision sa Brgy. Burgos.

Naglalakad lamang sa lugar ang biktima at kanyang mga kasama pauwi ng kanilang tahanan, nang bigla na lang lapitan ng suspek at ilang ulit na pinagsasaksak.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima, mabilis nang tumakas ang suspek patungo sa Brgy. San Jose.

Kaagad namang isinugod ng kanyang mga kasamahan sa pagamutan ang biktima ngunit dead on arrival na ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natukoy na matagal nang may alitan ang suspek at pamilya ng biktima na isa sa mga motibong tinututukan sa krimen.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with