^

Probinsiya

Dalaga pinasok, ni-rape ng kawatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang masaklap na insidente ang nangyari sa isang dalaga makaraang mabiktima ng “akyat-bahay” at ginahasa pa ito ng dalawang beses ng suspek at tinangay ang 100 pesos laman na pera nito kamakalawa sa Brgy. San Roque, Dasmarinas City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya at sa salaysay ng biktima na itinago pangalang Maine, dalaga, alas-3 ng madaling araw nasa kahimbingan umano siya ng tulog nang maalimpungatan nang makarinig ng mga kaluskos sa kaniyang kuwarto.

Pagmulat ng mata nito, nakita nito ang suspek subalit agad siyang tinutukan nito ng patalim.

“’Wag kang maingay manahimik ka! Magnanakaw lang sana ako pero gusto mo reypin kita,” saad umano ng suspek. At dito na nito ginahasa ng dalawang beses ang biktima.

Bago tumakas, kinuha pa ng suspek ang P100 na pera ng biktima at dalawang wrist watches.

Agad na humingi ng tulong sa barangay ang biktima at sa follow-up operation, naaresto ang suspek sa kaniyang bahay na ‘di kalayuan lamang sa bahay na inuupahan ng biktima, at agad na dinala sa pulisya.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with