2 mangingisda nawala sa karagatan

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines —Dalawang mangingisda ang naiulat na nawawala matapos na sila ay pumalaot noong Martes sa karagatan ng Limay at Corregidor, Bataan.

Sa ulat ni Col. Palmer Tria, Bataan Police Provincial Director, kinilala ang mga nawawalang sina Artemio Nabaunag, 69; at Dennis Calong, kapwa residente ng Limay, ay pumalaot sakay ng bangkang de-motor pasado alas-3:00 ng madaling araw noong Martes.

Sa salaysay ni Ms. Mendoza na ang kanyang ama at Calong ay umalis ng kanilang bahay upang mangisda sa kabila ng mga babala ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno na huwag munang pumalaot dahil sa bagyong Carina at habagat.

Ayon kay Mendoza, simula noon ay hindi na nakauwi ang dalawa at hindi na sila mahanap.

Nagsagawa naman ang Philippine Coast Guard (PCG) na nakabase sa Limay ng search at rescued operations.

Show comments