MANILA, Philippines — Isang Chinese national na umano ay nagkulong sa isang babae na kanyang kababayan ang inaresto sa inuupahan nitong bahay sa Barangay Punta, Calamba City, Laguna, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alias Hu, Chinese national at pansamantalang nangungupahan sa Punta Aldea Subdivision.
Si Hu ay inaresto ng Calamba police operatives sa isang follow-up operation matapos na siya ay kilalanin ng biktima na si Li, Chinese na nagturo sa mga otoridad kung saan siya eksaktong ikinulong nito.
Ipinagharap si Hu ng kasong Serious Illegal Detention and Kidnapping sa City Prosecutor Office.
Ang pangingidnap ay inireport ng isang Jovan Magayon Castillo, security guard ng subdivision noong Lunes ng alas-7:15 nang siya ay kausapin ni Li at may gustong sabihin na hindi naman niya maunawaan.
Nang gumamit si Castillo ng Google translator upang maintindihan ang biktima na nagsabi na siya ay puwersahang dinukot ni Hu at dinala sa inuupahan nitong bahay kaya’t agad nitong inireport sa pulisya.