MANILA, Philippines — Naaresto sa isinagawang follow-up ng pulisya ang suspek sa pagnanakaw sa bahay ng isang negosyante sa bayan ng Alfonso at naaresto ito sa bayan ng Naic kung saan ito nagtago.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Kid,nasa hustong gulang residente ng Naic Cavite.
Sa ulat ng pulisya, alas-8:00 ng umaga nang pagnakawan ng suspek ang bahay ng negosyanteng na kinilalang si alyas Rence sa Royale Tagaytay,Phase 1, Brgy. Upli, Alfonso, Cavite.
Sa bintana ng banyo ng bahay ng biktima dumaan ang suspek na sinira nito at diretso ito sa kuwarto ng biktima at tinangay ang 1 Glock 23 Cal. 40 pistol na may magazine at mga bala, gold Saudi ring at 1 Airsoft pistol.
Nakunan ng CCTV ang pagnanakaw ng suspek at dito rin ito nakilala ng pulisya kung kaya agad na naaresto sa bayan ng Naic.
Nahaharap sa mga kasong Robbery and RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) ang suspek.