2 estudyante tepok sa kidlat

CAVITE, Philippines — Patay ang dalawang estudyanteng lalaki habang mga nagbibisikleta matapos silang tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan, nitong Huwebes sa Gen. Trias City.

Kinilala lang mga biktima sa mga alyas na ­Gerald, 14, at kaibigang si Renzo,15-anyos, kapwa estud­yante at residente ng Brgy Tapia Gen Trias Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng hapon habang nagbibiseklata ang magkaibigan ay naligo sa ulan habang kasagsagan ng malakas nito. Gayunman, biglang kumidlat ng malakas at diretsong nasapol ang magkaibigan.

Nangisay agad ang dalawang biktima at naitakbo pa sila sa pagamutan subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Show comments