Lalaki natagpuang patay sa abandonadong taxi

Sa ulat ng pulisya, alas-10:45 ng gabi nang madiskubre ng ilang concerned citizen ang patay na biktima sa loob ng taxi na naka-park sa nasabing lugar.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Isang malalim na imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng Bacoor Police hinggil sa pagkakatagpo sa isang bangkay ng ‘di pa kilalang lalaki sa loob ng isang abandonadong taxi sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Habay 2, Bacoor City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:45 ng gabi nang madiskubre ng ilang concerned citizen ang patay na biktima sa loob ng taxi na naka-park sa nasabing lugar.

Walang nakakakilala sa biktima at inaalam pa ng pulisya ang posibleng ikinamatay nito.

Show comments