94 MNLF combatants sa Basilan inayudahan ng DSWD

MANILA, Philippines — Nabiyayaan ng Department of Social Worker and Development (DSWD) ng cash aid ang may 94 na da­ting miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF), kasama ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) sa Lamitan City, Basilan.

Ayon kina DSWD Undersecretary Alan Tanjusay at Asst. Secretary Arnel Garcia ng Inclusive Sustainable Peace and Special Concerns (ISPSC), may tig-P45,000 ang tinanggap ng bawat isang dating MNLF member bilang kanilang puhunan sa itatayong negosyo sa kani-kanilang komunidad.

Sinabi ni Usec. Tanjusay na patuloy ang pagbibigay ng kontribusyon ng ahensya sa mga dating rebelde upang matulungan na mapagsimula sa buhay at ito ay bahagi ng  usa­ping pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Philippines (GPH) at MNLF.

Ang hakbang ay kabilang sa probisyon ng Bangsamoro Transitory Family Support Package (BTFSP) at ang pagbibigay ng cash-for-work (CFW) para sa mga da­ting rebelde.

Show comments