P1.2 milyong halaga ng marijuna, nasabat sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Napasakamay ng mga otoridad ang nasa P1.2 milyon na halaga ng mga marijuana bricks matapos masabat sa bahagi ng Barangay Cagaluan, Pasil, Kalinga, kamakalawa.

Ayon sa report ng pulisya, unang pinahihinto ng mga operatiba ng Pasil-PNP ang isang motorsiklo bilang­ bahagi ng kanilang anti-criminality operation sa check­point, subalit, sa halip na tumigil ang driver ay biglang humarurot ito ng takbo.

Kaya’t hinabol ng ilang mga operatiba ang nasabing motorsiklo hanggang sa maabutan na lamang ito sa gilid ng kalsada matapos iwan ng hindi pa naki­kilalang driver.

Nang siyasatin ng pulisya ang nakataling backpack at isang timba na lagayan ng biscuit sa likuran ng motorsiklo ay nakita ang nasa 10 marijuana bricks na nakabalot sa transparent na plastik na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Show comments