Presong nagpapa-medical, tumakas

CAVITE, Philippines — Natakasan ng isang preso ang mga bantay nitong pulis habang isasailalim sana sa medical examination ang una sa City Health Office (CHO) ng Trece Martirez City, kamakalawa ng hapon.

Nakatalon sa creek ang nasabing preso na kinilala sa alyas na “John”, nasa hustong gulang at may kasong drugs.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:00 ng hapon nang dalhin sa City Health Office (CHO) sa  Brgy San Agustin, Trece Martires City, Cavite ang suspek upang isailalim sa medical examination.

Ayon sa duty patroller ng Sector 2 sa pangunguna nina Police Senior Master Sergeant Richard Tumanguil at Patrolman CJ Cyron Catapang, nang nasabing oras ay hinihintay na lamang ang gagawing medical sa suspek nang bigla siyang tumakbo at tumalon sa creek ng riverside na halos katabi lamang ng pagamutan

Nagkaroon ng ilang minutong habulan subalit tuluyang nakatakas ang preso.

Show comments