Beauty pageant candidate, BF na Israeli missing

MANILA, Philippines — Isang beauty pageant contestant at Israeli na kasintahan nito ang iniulat na nawawala nitong Biyernes sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ang mga nawawala na sina Geneva Lopez, 27, Mutya ng Pilipinas 2023 Pampanga candidate at nobyo nitong Israeli na si Yitshak Cohen, 37, kapwa nakatira sa Barangay Malabanias, Angeles City.

Lumilitaw sa report ng Angeles City Police Office, na mismong ang pamilya ng mga biktima ang nag-report sa pagkawala ng mga biktima.

Nag-request din ang mga kaanak ng flash alarm sa isang abandoned burned vehicle mula sa Capas Municipal Police Station sa Tarlac.

Bineberipika na ng pulisya kung ang sunog na sasakyan ay ang sasakyang gamit ng mga biktima.

Hunyo 21 pa nang huling makontak ang mga biktima.

Bago ito, nagpaalam si Geneva sa mga kaanak na pupuntang Capas, Tarlac para makipagkita sa nagsangla sa kanila ng lupa noong 2021.

Patuloy pang nangangalap ng impormasyon at ebidensiya ang Angeles City Police upang matukoy ang kinaroroonan ng magkasintahan.

Show comments