SUV sinalpok ng mixer truck: 4 tepok, 3 sugatan

Dead-on-the-spot ang 45-anyos na driver ng SUV at mga sakay na 59-anyos na biyuda mula Tanauan, Batangas City; 48-anyos mula MandaluyongCity at isa pang babae na residente ng Barangay Cebo, Makati City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat katao ang kumpirmadong patay habang tatlo pa ang sugatan sa salpukan ng sports utility vehicle (SUV) at mixer truck kama­kalawa ng madaling araw sa Brgy. Batinguel, Dumaguete City, Negros Oriental.

Dead-on-the-spot ang 45-anyos na driver ng SUV at mga sakay na 59-anyos na biyuda mula Tanauan, Batangas City; 48-anyos mula MandaluyongCity at isa pang babae na residente ng Barangay Cebo, Makati City.

Mabilis namang isinugod ng sumaklolong rescue team sa Siliman University Medical Cen­ter ang mga nasugatan na kinabibilangan ng isang 15-anyos, 17-anyos at 19-anyos na mula Mandaluyong City.

Batay sa ulat, nang yari ang aksidente da- kong alas-4 ng madaling araw sa Diversion Road, Purok 7, Barangay Batin­guel, Dumaguete City.

Habang lulan ang mga biktima ng isang SUV na bumabagtas sa southbound ng highway nang makabanggaan nito ang paparating na mixer truck sa pakurbadang bahagi ng highway sa Brgy. Batinguel ng lungsod.

Sa lakas ng pagkakabangga,halos nayupi ang nasabing behikulo at dito’y agad na nasawi ang apat na biktima sanhi ng malulubhang sugat na tinamo sa ulo at katawan.

Arestado naman ang 43-anyos na driver ng truck, taga-Barangay Tinago, Dumaguete City na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at multiple physical injuries.

Show comments