Spa sa Imus, inatake ng 4 holdaper

CAVITE, Philippines — Matapos ang sunud-sunod na panghoholdap sa mga convenience store sa lalawigang ito na hindi mareso-resolba ng pulisya, isang spa naman ang inatake ng apat na armadong lalaki sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Anabu 2-A, Imus City kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng Imus City Police, alas-2 ng madaling araw nang pasukin ng mga suspek na pawang armado ng maiiksing baril ang Viga Body Works Spa na matatagpuan sa LVS Commercial Bldg., ng nasabing lugar at agad nagdeklara ng hold-up. Tinutukan ng mga suspek ng baril ang mga kustomer at staff ng spa na nasa loob at isa-isang kinuha ang kanilang mga pera, alahas, mga cellphone at mahahalagang kagamitan.

Isa sa mga suspek ang nakilala at itinago sa alyas na “Dading” habang ang mga kasamahan nito ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan.

Matapos na makakulimbat, mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Show comments