Nagpapalipad ng saranggola niratrat, patay!

CAVITE, Philippines — Patay ang isang lalaking nagpapalipad ng saranggola matapos na pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek sa open area ng Brgy. Payapa, Padre Garcia, Batangas kamakalawa.

Tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Jomar Lavapie, 37-anyos, may asawa at residente ng Sitio Sampalukan, Brgy. San Carlos, Rosario, Batangas.

Hindi naman nakilala ang suspek na nakasuot ng maroon jacket na mabilis na tumakas sakay ng isang kulay pulang motorsiklo at nakasuot ng itim na helmet.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:15 ng hapon habang ang biktima ay abala na nagpapalipad ng saranggola sa nasabing lugar nang dumating ang suspek at naglakad palapit sa kanya saka sunud-sunod na pinaputukan ng baril.

Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek tangay ang gamit na armas.

Show comments