^

Probinsiya

8 BIFF terrorists sa Maguindanao, sumuko

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
8 BIFF terrorists sa Maguindanao, sumuko
Isa-isang ibinigay ng mga lokal na terorista kay Brig. Gen. Michael Santos at Lt. Col. Guillermo Mabute ang kanilang mga baril at pampasabog sa kanilang pagsuko nitong Biyernes sa Upi, Maguindanao del Norte.
John Unson

MANILA, Philippines — Walong pinaghihinalaang miyembro ng mga lokal na teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na bihasa sa paggawa ng improvised explosive devices ang sumuko sa tropa ng militar sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Mirah, Upi, Maguindanao del Norte kamakalawa.

Sa report ni Army’s 6th Infantry Division at Joint Task Force (JTF) Central commander Major Gen. Alex Rillera, sumuko ang walong lokal na terorista sa himpilan ng 57th Infantry Battalion (IB) sa nasabing lugar.

Ayon kay Lt. Col,Guillermo Mabute, Commanding Officer ng Army’s 57th IB ang mga nagsisukong BIFF members ay kinabibilangan ng isang miyembro  ng Karialan faction at pitong miyembro naman ng Bungus faction na pawang sangkot sa paghahasik ng terorismo.

Ang mga nagsisukong BIFF members ay iprinisinta ni Mabute kay Brig.Gen. Michael Santos, commander ng  603rd Persuader Brigade ng Phl Army na binigyan ng karampatang tulong sa pagsuko sa pamahalaan.

Isinurender din ng mga bandido ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang 7.62 MM rifle, isang 7.62 MM SLR rifle, isang cal.30 M1 garand rifle, isang cal.30 M2 carbine rifle, isang cal.45 pistol, isang 9MM Uzi -type pistol, isang rocket-propelled grenade, dalawang M79 grenade launchers, apat na 12 gauge shotguns, dalawang Improvised Explosive Devices (IEDs) na may detonating cords, mga magazine at bala.

TERRORISTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->