CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte , Philippines — Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga ibinaon na armas ng mga teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat umaga nitong Huwebes.
Ang mga armas na nahukay ay kinabibilangan ng isang M16 rifle, isang M14 rifle at dalawang Caliber .45 pistol.
Naging susi ang pakikipagtulungan ng mga residente ng naturang barangay sa pagkakatunton ng mga nasabing armas dahil sa malaking tiwala ng mga ito sa tropa ng 7th Infantry (TAPAT) Battalion, na patuloy sa pagsasagawa hindi lamang ng mga security patrols sa mga komunidad, kundi pati na rin ang masinsinang pakikipag-ugnayan sa mga opisyales at residente ng mga barangay na siniserbisyuhan nito.
Ayon kay Major General Alex S. Rillera PA, ang pinuno ng 6ID at JTF-Central, patunay ito na ayaw na ng mga residente na muling magkaroon ng presensya ng mga komunistang terorista sa kanilang komunidad.