Tagong mga armas, nadiskubre sa bundok

File photo shows Filipino soldiers.
File photo

JUBAN, Sorsogon, Philippines — -Nasa apat na mahahabang uri ng armas na pinaniniwalaang itinago ng mga New People’s Army ang natagpuan ng mga sundalo mula sa 22nd Infantry Battallion ng Philippine Army sa bulubunduking lugar ng Brgy. Maalo, Juban, Sorsogon kahapon ng umaga.

Nasa kamay na ng 22nd IB ng Philippine Army ang apat na M16 Armalite Rifle at mga spare parts ng kaparehong baril na posibleng sinadyang itinago sa lugar ng mga komunista sa masamang plano ng mga ito.

Ayon sa ulat na inilabas ng tanggapan ni 9th Infantry “Spear” Division, Philippine Army commanding general Major Gen. Adonis Bajao, ­ilang residente sa lugar ang nagsumbong sa mga sundalo hinggil sa itinagong armas ng mga rebeldeng NPA.

Dakong alas-7 ng umaga kahapon ay agad pinuntahan ng tropa ng 22nd Infantry Battallion ang lugar at matagumpay nilang natagpuan ang mga baril.

Show comments