^

Probinsiya

3 CAFGU todas, 3 pa sugatan sa ambush!

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 CAFGU todas, 3 pa sugatan sa ambush!
Bangkay na nang madatnan ng awtoridad ang tatlong kasapi ng CAFGU matapos matadtad ng bala sa ambush sa Marogong, Lanao del Sur nitong Martes. Tatlo rin sa kanilang kasamahan ang sugatan sa insidente.
John Unson

MANILA, Philippines — Tatlong kasapi ng Citizens Armed For­ces Geographical Unit (CAFGU) ang nasawi at tatlo pang kasamahan ang nasugatan matapos silang tambangan at pagbabarilin sa Barangay East sa Marogong, Lanao del Sur nitong Martes ng umaga.

Sa hiwalay na ulat nitong Miyerkules ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at ng mga opisyal ng 103rd Infantry Brigade sa Marawi City, agad na nasawi sa mga tama ng bala ang tatlong miyembro ng CAFGU na kinilalang sina Richard Dorano, Aljon Claver at Gino Sacare sanhi ng naturang pananambang.

Tatlo pang miyembro ng CAFGU na sina Marvi Ausan, Aljai Bagalanon at Renegie Culibao, ang nagtamo rin ng mga tama ng bala sanhi ng naturang ambush na agad namang naisugod ng mga emergency res­ponders sa isang ospital sa hindi kalayuang bayan ng Malabang sa Lanao del Sur.

Lumalabas sa imbestigasyon na magkakasama ang anim na biktima sa isang sasakyan patungo sana sa kanilang detachment na malapit sa isang hydroelectric plant ng Matling Industrial and Commercial Corporation nang paulanan ng bala ng M14 at M16 assault rifles ng mga lalaking nakapuwesto sa gilid ng kalye.

Ayon kay Tanggawohn, matapos na ratratin ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga armadong res­ponsable sa pananambang na hindi pa natutukoy kung anong grupo.

Patuloy ang imbestigasyon ng Marogong at Malabang Police upang matukoy ang pagkaka­kilanlan ng mga suspek na nag-ambush sa mga biktima para masampahan ng kaukulang mga kaso, ayon kay Tanggawohn.

vuukle comment

LANAO DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with