^

Probinsiya

Indian trader hinoldap ng kalahi, suspek arestado

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Indian trader hinoldap ng kalahi, suspek arestado
Ayon kay P/Lt. Col. Wilmar hepe ng Gapan City Police, nagsasagawa sila ng strategic checkpoint sa isang bahagi ng nasabing barangay nang ipagbigay-alam sa kanila ng isang 25-anyos na negosyanteng Indian national na siya ay hinoldap ng kanyang kapwa Bumbay, na tumakas sakay ng motorsiklo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Hindi akalain ng isang negosyanteng Indian national na tataluhin at hoholdapin siya ng kanyang kalahi habang may inaantay siya sa gilid ng kalsada sa Brgy. San Nicolas ng lungsod na ito, kamakalawa ng tanghali.

Ayon kay P/Lt. Col. Wilmar hepe ng Gapan City Police, nagsasagawa sila ng strategic checkpoint sa isang bahagi ng nasabing barangay nang ipagbigay-alam sa kanila ng isang 25-anyos na negosyanteng Indian national na siya ay hinoldap ng kanyang kapwa Bumbay, na tumakas sakay ng motorsiklo.

Ayon sa ulat, alas-12:35 ng tanghali habang nag-iintay umano malapit sa isang burger stand ang biktima ay may isang lalaki na sakay ng motorsiklong Keeway, ang huminto at bumaba.

Agad bumunot umano ng baril ang suspek at itinutok sa biktima sabay deklara ng holdap at puwersahang kinuha ang mamahaling gamit nito saka sumibat ang suspek.

Mabilis na hinabol ng mga pulis ang suspek kasunod ng sumbong ng biktima at nasukol sa habulan.

Dito kinilala ang suspek na si alyas VJ, 28-anyos ng Barangay Bagong Barrio, Pandi, Bulacan.

Nakumpiska sa suspek ang baril nitong Smith & Wesson .57 magnum revolver na may 3 bala, at ang tinangay niya sa biktima na 2 Samsung cellphones at pera na P2,000.

vuukle comment

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with