^

Probinsiya

Lider ng tribal group, todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Lider ng tribal group, todas sa ambush!
Agad nasawi sa mga tama ng bala ang Teduray tribal chieftain na si Juanito Promboy matapos siyang tambangan sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur nitong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines —  Napatay ang isang pinuno ng mga katutubong Teduray at malubhang nasugatan ang isa pa sa isang ambush sa Barangay Tuayan sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Lunes.

Sa mga hiwalay na ulat ng mga kasapi ng Teduray tribal council sa naturang bayan at ni Col. Roel Sermese, director ng Maguindanao del Sur, nakaangkas ang napatay na si Juanito Promboy sa motorsiklo ni Ronald Angit nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa isang bahagi ng farm-to-market road sa Barangay Tuayan isang liblib na lugar sa Datu Hoffer.

Agad na namatay sai Promboy, itinalaga ng kanilang local government unit na Indigenous People’s Representative sa barangay government ng Tuayan, habang sugatan naman si Angit sa naturang insidente, ngayon nagpapagaling na Maguindanao del Sur Provincial Hospital sa hindi kalayuang bayan ng Shariff Aguak.

Ayon sa hepe ng Datu Hoffer Municipal Police Station, si Lt. Albert Pansoy, mabilis na nakatakas ang mga namaril sa dalawa sakay ng mga motorsiklo.

vuukle comment

TEDURAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with