Kelot patay sa suntok ng lalaking hinamon ng away

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang fish vendor, nasa legal na edad, walang asawa, tubong-Tacloban City na nakatira ngayon sa Dagupan City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead- on-arrival ang isang lalaki matapos na siya ay suntukin ng isang lalaki na hinamon nito ng suntukan sa Brgy. Poblacion Oeste, Dagupan City, Pangasinan, kamakalawa.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang fish vendor, nasa legal na edad, walang asawa, tubong-Tacloban City na nakatira ngayon sa Dagupan City.

Arestado naman ang suspek na si alyas “Ewok”, 24, fish vendor, residente rin ng natu­rang lungsod.

Base sa ulat, ang biktima na nakainom ay nakitang naglalakad ng suspek na noo’y nakikipag-inuman kaya inaya niya itong mag-shot.

Matapos umanong mag-shot ang biktima ay hinamon nito ng suntukan ang suspek.

Dahil dito, bigla na lang din umanong sinuntok ng suspek ang biktima na ikinatumba nito at ang ulo ay tumama sa semento.

Dinala ang biktima sa Cuison Gen. Hospital sa naturang lungsod, subalit,idineklarang dead-on-arrival.

Show comments