Dating trabahador, suspek sa pagpatay sa mag-live in na trader

Sinabi ni P/Lt. Col. Paolo Carracedo, Bacoor police chief, na pansamantala muna nilang itinago ang pangalan ng suspek dahil sa patuloy na ­operation at pagsampa ng kasong robbery with homicide sa provincial prosecutor.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Iniha­yag kahapon ng pulisya na ang dating trabahador ang umano ay suspek sa pagholdap at pagpatay sa mag-live in na negosyante sa kahabaan ng Barangay Molino 3 Road, Bacoor City, Cavite noong Martes.

Sinabi ni P/Lt. Col. Paolo Carracedo, Bacoor police chief, na pansamantala muna nilang itinago ang pangalan ng suspek dahil sa patuloy na ­operation at pagsampa ng kasong robbery with homicide sa provincial prosecutor.

Magugunita na ang lalaking biktima na si Rey Gonzales, 54, ay nasa construction business habang ang kanyang partner na si Elvie Cario, 46, ay may negos­yong barbekyuhan.

Nabatid na ang suspek ay dating trabahador ni Gonzales sa construction business ay positibong kinilala ng mga saksi sa pagbaril sa magka-live in.

Ayon sa pulisya na posibleng motibo ng pagpatay ay matagal ng galit sa mga biktima na hinoldap at pinagbabaril ng suspek habang sakay ng kanilang tricycle patungo sa Zapoter Market at tinangay ang dalang P40,000.

Show comments