Mga sibilyan na apektado ng bakbakan ng 2 grupong Moro, lumikas

COTABATO CITY, Philippines — Isa ang naiulat na nasawi habang anim na iba pa ang sugatan sa bawat panig ng dalawang grupong Moro na nagkaengkwentro nitong hapon ng Miyerkules sa Barangay Banucagon sa Pigcawayan, Cotabato.

Sa inisyal na ulat ng Pigcawayan local government unit at mga opisyal ng kanilang Municipal Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Office, hindi bababa sa 500 na mga pamilyang walang kina­laman sa kaguluhan ang napilitang lumikas mula Barangay Banucagon.

Kinumpirma ni Col. Gilbert Tuzon, director ng Cotabato provincial police, at ni Army Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th ID, ang naganap na matin­ding palitan ng putok ng dalawang magkalabang grupo na sakop ng Moro Islamic Liberation Front, ay pinagsisikapan ng 6th ID at ng Police Regional Office-12 na magkasundo.

Mismong mga residenteng lumikas mula sa naturang lugar na  tatlo sa kanila mga Islamic missionaries, ang nag-ulat na may nasa­wing isang MILF member at nasugatang anim na iba pa sa labanan ng dalawang grupo gamit na ang  ugat ay agawan ng teritoryo at hindi pagkakaunawaan hinggil sa lokal na pulitika.

Show comments