Pulis na nagmamando ng checkpoint, utas sa tandem!

Members of Quezon City Police District (QCPD) station 10 conduct “Oplan Sita” along East Avenue Southbound in Quezon City on February 25, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang isang bagitong pulis na nagmamando ng mga sasakyang dumadaan sa isang checkpoint sa Barangay Colonia, Lamitan City, Basilan nitong gabi ng Martes.

Sa ulat nitong Miyerkules ni Lt. Col. Arlan Delum­pines, hepe ng Lamitan City Police, hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima na kinilalang si Patrolman Khalid Sali Ahmad, kasapi ng 1st Platoon ng Basilan Provincial Mobile Force Company ng Basilan Provincial Police Office.

Sa mga hiwalay na ulat nila Dalumpines at mga barangay officials ng Colonia, tangkang pipigilin sana ni Pat. Ahmad para sa isang routine inspection ang dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo nang bigla siyang paputukan ng isa sa mga suspek at nasapol ng bala sa ulo ang biktima.

Si Pat. Ahmad ay idineklarang dead-on-the-spot sa insidente.

Matapos na bumulagta si Pat. Ahmad sa checkpoint, mabilis na tumakas at lumiko pabalik sa kanilang pinagmulang direksyon ang riding-in-tandem suspects.

Hinabol pa ng mga kasamang pulis ni Ahmad ang mga pumatay sa huli, habang patungong Barangay Campo Uno sa Lamitan, ngunit hindi na nito inabutan.

Show comments