Gadgets store hinoldap: Higit 100 cellphone tangay

CAVITE, Philippines — Pinasok ng apat na armadong lalaki ang isang gadgets shop at tinangay ang mahigit 100 na cellphone na pambenta, kamakalawa sa Bulilan Norte, Pila, Laguna.

Sa ulat ng Pila Police, alas-11.20 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang A&D Gadgets Shop na nasa BKJAMMB Bldg. sa Brgy. Bulilan Norte, Pila, Laguna.

Agad na nagdeklara ng holdap ang mga suspek na pawang armado ng baril pagpasok pa lang sa nasabing establisimyento.

Mabilis na nilimas ng apat na suspek ang mga naka-display na gadgets saka sila sumibat sakay ng dalawang motorsiklo.

Ang mga suspek ay mga nakasuot ng itim na long sleeve shirt na may tatak na Team Katagumpay at jacket na pink at black.

Patuloy ang imbestigasyon at dragnet opera­tion ng pulisya sa insidente.

Show comments