Dalagita dedo, 17-anyos kritikal sa bangga

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si alyas “Mikka”, estudyante at residente ng Purok 6, Brgy. Sapa, Naic, Cavite habang inoobserbahan sa pagamutan ang driver ng motorsiklo na si alyas Castillo, construction worker at residente ng Brgy. Bancaan, Naic, Cavite.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Isang 15-anyos na dalagita ang nasawi habang malubhang na­sugatan ang kasamang 17-anyos na binatilyo nang sumalpok ang sinasasakyan nilang motorsiklo sa metal gate habang bumabagtas sa Brgy. Bancaan, bayan ng Naic, lalawigang ito, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang si alyas “Mikka”, estudyante at residente ng Purok 6, Brgy. Sapa, Naic, Cavite habang inoobserbahan sa pagamutan ang driver ng motorsiklo na si alyas Castillo, construction worker at residente ng Brgy. Bancaan, Naic, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:55 ng gabi habang bumabagtas sa nasabing lugar ang Mitsukoshi Euro Sports R125 at magkaangkas ang mga biktima nang mawalan ng kontrol sa manibela si Castillo.

Dahil dito, dire-diretsong sumalpok sa metla gate ng isang establismyento ang mga biktima. 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima sanhi ng mga sugatan at pinaslang inabot sa katawan. Naitakbo ang dalawa sa San Lorenzo Ruiz Hospital subalit hindi na naisalba pa ang dalagitang estudyante.

Show comments