Big-time drug dealer, huli sa 680K shabu sa mall

Stock image of methamphetamine
Pixabay

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang big-time drug dealer ng shabu sa inilatag na buy-bust operation sa parking lot ng kilalang mall sa lungsod ng Bacoor kamakalawa.

Arestado ang suspek na si alyas “Datu”, 35 anyos, construction worker, at residente ng Quiapo Muslim Center sa Manila.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng hapon nang maglatag ng buy-bust operation ang pinagsa­nib na puwersa ng PDEA Regional Office IV-A, RSET at PDEA-Ca­vite  laban sa suspek na kasama sa High Value Target ng pulisya.

Sa 2nd  floor ng parking lot mall sa Brgy. Molino IV isinagawa ang buy-bust at narekober sa suspek ang isang itim na  backpack kung saan nakalagay ang may mahigit sa 100 gramo ng shabu na aabot sa halagang P680,000.

Nakumpiska rin sa suspek ang buy-bust money na ginamit sa operasyon, isang cellular phone at national ID nito.

Show comments