Binata niratrat, babae nasapol ng bala

Nanonood ng video sa YouTube

CAVITE, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang lalaki ang isang binata na nakaupo at nanonood lang ng video sa YouTube habang isang babae ang minalas na nahagip ng balang tumagos mula sa biktima kamaka­lawa ng hapon sa Laguna.

Kinilala ang nasawi sa alyas na Edsel,  residente ng Brgy. Buhay Siniloan, Laguna habang ginagamot sa ospital si alyas Mary nang masapol ng bala na tumagos mula sa katawan ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente habang nakaupo sa labas ng kanilang bahay ang biktima at nanonood ng YouTube video sa kaniyang  cellpone nang dumating ang 2 suspek na armado ng maiksing baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Duguang bumulagta ang biktima at nasapol naman ng stray bullet ang isang residente na nasa ‘di kalayuan.

Show comments