1 patay, 21 tinamaan ng Pertussis sa Kabikulan

File photo of a woman coughing.
Canva

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasa 21 katao na ang tinamaan ng pinangangambahang sakit na Pertussis o “whooping cough” habang isa ang naitalang nasawi sa Kabikulan.

Sa ulat na inilabas kamakalawa ni Dra. Aurora Teresa Daluro, Medi­cal Specialist lll, regional epidemiologist at hepe ng Regional Epidemio­logy Surveillance Unit ng DOH-Bicol Center for Health Development, simula umano noong ­Enero 1 hanggang Abril 7, ngayong taon ay naitala sa rehiyon ang 21 kaso ng Pertussis.

Sa Camarines Sur ang may naitalang pinakamataas na kaso na umabot ng 9, anim sa Albay habang lima sa Sorsogon.

Isa naman ang naitalang nasawi sa Pertussis sa Masbate.

Sa 21 kaso sa Bicol, anim dito ang “laboratory confirmed” habang 15 ang “clinical case”.

Show comments