P3.1 milyong marijuana, winasak sa Cordillera
LAGAWE, Ifugao — Umabot sa P3.1 milyon na halaga ng marijuana ang winasak sa magkahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng pulisya sa Cordillera.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) umabot sa 3,675 na puno ng fully grown marijuana plants; 20,000 grams ng dried marijuana stalks, at fruiting tops ang winasak ng mga otoridad.
Tinatayang nasa P3,135,00 ang halaga ng marijuana na nakuha mula sa apat na plantasyon sa bahagi ng Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet at Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet.
Samantala, limang indibidwal naman ang dinakip din ng mga otoridad sa magkakahiwalay na drug operations sa lalawigan naman ng Abra, Benguet at Baguio City.
Apat sa mga nadakip ay nailista bilang high-value individuals habang ang isa ay street-level individual.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng pulisya simula Abril 1-7, 2024.
- Latest