P16.3 milyon droga nasamsam sa Cebu, Iloilo at Batangas

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng anti-narcotics police ang nasa P16.3 mil­yon droga sa magkakahiwalay na drug operation sa lalawigan ng Cebu, Iloilo at Batangas noong Miyerkules.

Sa Cebu, nasamsam ng mga otoridad ang nasa 1.6 kilos of shabu na nagkakahalaga ng P10.8 milyon sa bayan ng Consolacion.

Sinabi ni Central Visayas police director Brig. Gen. Anthony ­Aberin na nasamsam ang nasabing droga sa isang 46-anyos na lalaki na naaresto,pasado alas-7:30 ng gabi sa Brgy.Jugan.

 Bukod sa shabu ay nakumpiska din ang. 22 caliber handgun at iba pang drug paraphernalias.

Pasado,alas-11:15 ng gabi ay naaresto ang dalawang katao na kinilalang sina alyas Papz at alyas Biboy sa isang buy-bust operation sa Brgy.Rizal Lapuz,Iloilo City at nasamsam ang nasa  310 gramo ng shabu na may estimated street value na P2.1 milyon.

Samantala,naaresto din ng anti-narcotics agents ang shabu na nagkakahalaga ng  P3.45 milyon noong Miyerkules ng hapon sa Batangas Port, Barangay Sta. Clara,Batangas City, pasado alas-4:00 ng hapon.

Umaabot sa 500 gramo ng shabu ang nakumpiska sa drug suspek na si alyas Grace,37.

Show comments