Trader inaresto sa pamamaril sa tatlong tao

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pulis ang isang 57-anyos na negosyanteng lalaki matapos na barilin nito ang tatlong katao na pumasok sa kanyang ari-arian sa Pangil, Laguna, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si alyas Gilbert, na kusang sumuko sa mga pulis matapos ang ginawang pamamaril nito,pasado alas-10:20 ng umaga sa  Barangay Galalan.

Sa ulat ng pulisya, kinompronta ng suspek ang mga biktima na sina Danilo Petratche, 57; Lanie Petratche; 48; at Julius Tropicales, 30, nang ito umano ay pumasok sa kanyang ari-arian.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang komprontasyon hanggang sa bumunot ng kalibre 45 baril ang suspek at binaril at tinamaan ang matandang  Petratche. Habang hindi tinamaan ang dalawang biktima na agad nakatakbo.

Tumawag ng pulis ang suspek sa Pangil police station para sa kanyang pagsuko at pagsurender ng baril na ginamit.

Kakasuhan ang suspek ng kasong  frustra­ted homicide, attempted homicide at violation of Republic Act 10591, or the Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Show comments