Negosyante timbog sa P1.8 milyong shabu

Kinilala ni PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police director ang suspek na isang High Value Individual (HVI) na si Wilson Clavito alyas “Choco” na nadakip ng magkasanib na ­puwersa ng Calumpit Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit sa Barangay Pio Cruzcosa, Calumpit dakong alas-5:55 ng hapon.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang 51-anyos na negosyante mula sa San Jose Del Monte City sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Brgy. Pio Cruzcosa, Calumpit, Bulacan kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ni PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police director ang suspek na isang High Value Individual (HVI) na si Wilson Clavito alyas “Choco” na nadakip ng magkasanib na ­puwersa ng Calumpit Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit sa Barangay Pio Cruzcosa, Calumpit dakong alas-5:55 ng hapon.

Nakuha sa suspek ang walong transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang sa 270 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na Php 1,836,000.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO)-3 director PBrig. Gen. Jose Hidalgo Jr. na ang pagkahuli kay “Choco” ay nangangahulugan ng walang humpay na paglaban ng PRO3 laban sa ilegal na droga, na nagpapakita ng determinas­yon ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas, at upang pangalagaan ang komunidad mula sa masamang epekto ng ilegal na droga alinsunod sa direktiba ng bagong chief PNP, PGen. Rommel Francisco Marbil.

Show comments