Suspek sa pagpatay utas sa shootout sa Laguna

LAGUNA, Philippines — Patay ang isang suspek sa pagpatay sa isang tricycle driver matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Barangay San Jose, Calamba City sa lalawigan nitong Huwebes.

Kinilala lamang ng pulisya ang suspek na si alyas Benjo na dead on the spot sa nakasagupaan sa lugar sa Barangay Parian, Calamba City noong araw ding iyon ng gabi.

Si Benjo ay positibong kinilala ng mga nakasaksi bilang salarin sa pagkamatay ng isang tricycle driver na si Frederick Tagle, 41, habang nagmamaneho ng kanyang itim na Rusi tricycle sa kahabaan ng Barangay San Jose, Calamba City, noong Huwebes ng hapon.

Tumakas ang suspek patungo sa Barangay Sais matapos ang pamamaril. Acted on report ng concerned citizen, sinabing nakita ang salarin sa paligid ng Barangay Parian, Calamba City bandang 7:08 ng gabi.

Agad namang nagsagawa ang mga intelligence operatives ng follow-up operation laban sa suspek.

Gayunman, sa halip na sumuko, nagpaputok ang suspek matapos maramdaman ang presensya ng mga operatiba na nagdulot ng barilan na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Show comments