Lalaking nakagapos natagpuang patay sa creek

CAVITE, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang lalaki na posibleng biktima ng salvage ang natagpuan sa isang creek sa Imus City, kahapon.

Sa ulat ng Imus Police, nakagapos ang mga kamay at paa at may mala­king sugat sa ulo nang matagpuan ang biktima dakong alas-7:45 ng umaga sa Brgy. Pasong Buaya 1, Imus City.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang responsable sa pagpatay sa una.

Malaki ang posibilidad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa kinatagpuang lugar.

Show comments