P2.5 milyong puslit na yosi nasabat ng Navy

Batay sa ulat ng Naval Forces Eastern Mindanao, nagsasagawa ng territorial defense operations ang BRP Rafael Pargas (PC379) malapit sa border ng Pilipinas at Indonesia kamakalawa, nang maharang ang isang kahina-hinalang bapor.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P2.5 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Navy sa karagatan ng Maitum, Sarangani Province.

Batay sa ulat ng Naval Forces Eastern Mindanao, nagsasagawa ng territorial defense operations ang BRP Rafael Pargas (PC379) malapit sa border ng Pilipinas at Indonesia kamakalawa, nang maharang ang isang kahina-hinalang bapor.

Nang inspeksiyunin ang  barko, natagpuan ang karga nitong 114 na master case ng sigarilyo na walang kaukulang dokumento.

Napag-alaman sa imbestigasyon na ang kontrabando ay nagmula sa Jolo, Sulu at dadalhin sana sa Maitum, Sarangani Province.

Tumanggi namang magbigay pa ng ibang detalye ang mga crew ng barko.

Bukod sa mga nasamsam ng smuggled cigarettes, nasa kustodya na ng pulisya ang mga nahuling crew at barkong sinakyan na ebidensya sa pagsasampa ng kaso.

Show comments