5 drug suspect timbog sa Cavite

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines — Arestado ang dalawang babae at tatlo nilang kasabwat na lalaki sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa Dasmariñas City, Cavite, kahapon.

Kinilala lamang ng pulisya ang mga naarestong drug pushers sa mga alyas na Ge, 26; Tisay, 45 at ang kanilang mga kasabwat na sina alyas Paul, 42, Rudy, 47 at Dhix, 23.

Dalawa sa limang suspek ay nasa ilalim ng kategorya ng mga high value indibidual at ang iba pa ay HVI sa antas ng street level.

Nakuha sa mga suspek ang limang piraso ng sachet na naglalaman ng 25 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P170,000 at 15 gramo na nagkakahalaga ng P102,000.

Sinabi ni Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, ang limang suspek ay nadakip sa magkahiwalay na drug bust operation sa Brgy. Sta. Lucia at Brgy. Salawag sa Dasmariñas City.

Show comments