‘Solar energy’ mas praktikal, mura at matipid – AlphaSolar
MANILA, Philippines — Pagdating sa ekonomiya, ang paggamit ng solar energy ang pinakamura at pinakapraktikal, na may kaakibat na minimum savings na 33% ng mga gastusin sa enerhiya sa bahay.
Ito ang inihayag ni Tito Maglaqui, isa sa mga exponents ng paggamit ng solar energy, sa regular na media forum ng Capampangan in Media, Inc. (CAMI) na ginaganap tuwing Biyernes sa Clark Media Center.
Bilang managing director ng AlphaSolar Corporation, isa sa mga pioneer ng solar energy space sa Pilipinas, tinalakay ni Maglaqui sa forum ang economics ng solar power.
“We are not here to replace fossil fuels. However, we have to present to the people, the economics of solar power as the solar power cost dropped in recent years, and in many places, it is even cheaper than coal or other fossil fuels,” paliwanag ni Maglaqui.
Ayon kay Maglaqui, ang mga environmental concerns at pagtaas ng produksyon dahil sa mga insentibo ng gobyerno sa ilang bansa ang naging sanhi ng umuunlad na sustainable energy use. Bumaba naman aniya ang direktang gastos ng solar at wind energy para sa mga consumer.
“However, solar energy is the most practical and viable because it is not area sensitive as wind farms and is mostly used for residential and commercial means,” ani Maglaqui.
Ang AlphaSolar ay may mga programa tulad ng pakikipagtulungan sa mga kumpanya ng financing, upang gawing madali para sa masa na mag-avail ng solar energy.
Si Maglaqui ay isang award-winning na management at industrial expert, market analyst at solar energy exponent. Pinangalanan siya ng CEO Insights Asia na isa sa “Top Ten Leaders of the Philippines 2023”.
Sa buong Pilipinas, inilalagay na ang mga solar panel sa mga bahay dahil abot-kaya na ang presyo ng mga ito. Ang solar energy rin ang pinakaligtas, pinaka-epektibo at praktikal sa lahat ng pinagkukunan ng enerhiya.
- Latest