Surigao del Sur nagtala ng 2 magkasunod na aftershocks sa malakas na lindol
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng dalawang magkasunod na malakas na lindol kahapon sa Hinatuan Surigao del Sur.
Naitala ng PHIVOLCS ang 5.4 magnitude na lindol kahapon ng alas-8:23 ng umaga na ang sentro ng pagyanig ay nasa 077 kilometro ng timog silangan ng Cagwait Surigao del Sur.
Umaabot sa 015 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol. Bunga nito naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5, sa Hinatuan Surigao del Sur at Intensity 4 sa Bislig City Surigao del Sur.
Bago ito, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 5.3 magnitude na lindol alas- 8:10 ng umaga kahapon na ang sentro ng lindol ay nasa 083 kilometro timog silangan ng Cagwait Surigao del Sur .
Umaabot naman sa 009 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol na ito na nagbunsod ng lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Hinatuan Surigao del Sur at Intensity 4 sa Bislig City Surigao del Sur .
Ayon sa PHIVOLCS, ang magkasunod na lindol ay pawang aftershocks nang nagdaang malakas na lindol na 6.8 magnitude sa Cagwait Surigao del Sur kamakailan.
- Latest