18 Indians, kauna-unahang graduates ng medisina sa Nueva Vizcaya
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nasa 28 na estudyante kabilang ang18 Indian nationals ang nagtapos mula sa College of Medicine ng PLT College Inc. (PLTCI) ang isinagawang first graduation ceremony sa PLTCI-Multi-Purpose Convention Center sa bayan ng Solano, dito sa lalawaigan noong Biyernes.
Si Senator Imee Marcos ang nagsilbing keynote speaker sa makasaysayang commencement exercises para sa 28 graduates na tumanggap ng kanilang degree sa Doctor of Medicine (MD).
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Sen. Marcos ang kahalagahan at kakulangan ng mga doktor sa bansa, kasabay ng pagbati niya sa mga graduates at kanilang mga magulang na nagsakripisyo para mapagtapos ang kanilang mga anak sa medisina.
Ayon kay Marcos, isang doktor kada 20,000 na Pilipino ang “ratio” sa kasalukuyan, indikasyon na malaki ang kakulangan ng mga doctor sa maraming lugar sa bansa.
“This is a national problem to be resolved and we need more doctors,” pahayag ni Marcos.
Ayon naman kay Raymond Louie Joseph Tiam, pangulo ng PLTCI, sa kasalukuyan ay nasa 270 na estudyante ng PLTCI ang kumukuha ng medisina kung saan karamihan sa kanila ay mula pa sa iba’t ibang lalawigan at rehiyon kabilang na rin ang mga foreign students mula sa India.
“Of the 28 graduates, 18 are all Indian nationals while 11 are Filipinos,” pahayag ni Tiam.
Samantala, inihayag ni Gov. Jose “Jing” Gambito na ang prov’l government ay may inisyal na limang iskolar sa ilalim ng “Doktor ti Umili” (Public Doctor)” Program, para matulungan ang mga gustong maging doctor sa probinsya.
- Latest