78 pasahero, 7 tripulante ng lantsang nasiraan sa dagat nasagip

COTABATO CITY, Philippines — Maagap na nasagip ng mga kasapi ng Philippine Navy ang 78 pasahero at pitong tripulante ng lantsa matapos masiraan ng makina sa gitna ng maalon na karagatan habang sa sentro ng Tawi-Tawi mula sa Sibuto Island sa lalawigan ito noong Martes.

Kinumpirma kahapon ni Bangsamoro police regional director Brig. Gen. Allan Nobleza ang insidente kung saan agad na hinila ng patrol craft ng Naval Forces Western Mindanao ang lantsang nasiraan ng makina, ang M/L Dhiemal habang naglalayag patu­ngong Bongao,Tawi-Tawi.

Nabatid na naglalayag ang lantsa patungo sana sa Bongao mula sa Tandu Banak sa Sibutu Island municipality nang masiraan ng makina sa karagatan na may siyam na milya ang layo mula sa pier ng naturang bayan.

Show comments